1935 Constitution of the Philippines Tagalog Version

1935 Constitution of the Philippines Tagalog / Filipino version or 1935 Saligang Batas (Ang Commonwealth at ang Ikatlong Republika). You can also see the complete English version at this link: 1935 Philippine Constitution.

Ang Saligang Batas 1935 ay ginawa para sa istraktura ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Pero marami pa rin dito ang itinadhana para sa mga mithiin at mga saloobin ng mga Pilipino. Mayroon din mga probisyon na angkop na nais ng Amerika dahil ang unang nagpatibay dito ang Presidente ng Amerika noong panahong iyon.

Isinulat ang Saligang Batas 1935 noong 1934, at pagsasaad ng Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946) at ginamit sa Ikatlong Repulika ng Pilipinas (1946-1972). Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan.

Sinusugan ito noong 1940 upang magkaroon ng parehong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino. Isang Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935.

Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsyon. Marahil ang pinakakontrobersyal ang isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong termino. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar  ang Saligang Batas 1935.

1935 constitution philippines tagalog version

Mga Batas na Itinadhana

Tatlong Sangay ng Pamahalaan:

  1. Ehekutibo -Ang kapangyarihang tagapagganap
  2. Lehislatibo – Ang kapangyarihang gumawa ng batas
  3. Hudisyal – Ang kapangyarihang panghukuman

Iba pang batas na nakapaloob sa Saligang Batas 1935:

  1. Konsepto ng paghihiwalay ng estado at ng simbahan
  2. Pagtutol ng Pilipinas sa mga digmaan at mga bayolente na gawain
  3. Pagsunod sa alituntunin ng Bill of Rights

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *